Thursday, January 12, 2006

Thursday the 12th

Sabi ng lola ko, huwag daw ako mag gupit ng kuko kapag biyernes – malulungkot daw ako. Sabi din ng ibang lola huwag din daw tayo magpagupit ng buhok kapag biyernes – baka daw hindi na ito tumubo muli. sabi din ng mga matatanda marami pang hindi dapat gawin kapag biyernes, lalo na kung “Friday the 13th”.

“2006” na pero marami pa din sa atin ang naniniwala sa kamalasan ng “Friday the 13th”. Nakatatawa pero isa siguro ako sa mga ‘partial believers’, siguro ay dahil sa mga nadinig ko sa aking lola at sa mga mapamahiin kong kamag-anak. At alam ko din na isa sa inyo ang kagaya ko na may ‘takot’ sa araw na ito.

Walang duda na ang ‘Friday the 13th’ ang mapagkakasunduaan nating pinakamalas na araw. Bakit??? Sa dami ng mga naisulat, salaysay, pelikula at tsismis tungkol sa araw na ito ay garantisado na pati ang magiging apo natin ay ito din ang iisipin. “Kwento ng matatanda”, iyan daw ang pinaka simpleng dahilan, bakit? Walang nakakaalam. Ngunit napakaraming ekspalanasyon tungkol dito, nasa sa iyo na kung maniniwala ka. Kasama na dito yung kwento na “Friday the 13th” daw noong kagatin ni adan ang mansanas ni eba. Ayon di sa bible mayroong 13 tao sa Last Supper. At ang isa sa mga bisita…disipulo-ang ang nag-hudas! Biyernes din daw naganap ang “Crucifixion”. At ayon sa “The Da Vincci Code” ni pareng Dan Brown, na sa isang madugong biyernes daw naganap ang pag huli at pag lipol sa mga “warrior monks”, ang legendary “Knights Templar”.

Iba pang LASMA sabi ng mga lola.
Kapag 13 tao daw ang nagsalo sa hapag-kainan, ang lahat daw ay mamamatay sa loob ng isang taon. Kung ang bilang daw ng letra sa pangalan mo ay 13, magkakaroon ka daw ng “devils luck” (Jack the Ripper, Charles Manson, Saddam Hussein, Imelda R Marcos all have 13 letters in their names). Huwag daw magpapalit ng kobre kama kapag biyernes, at baka daw bangungutin ka. Hindi din daw dapat bumiyahe kapag araw ng biyernes., malapit daw sa aksidente. Malas daw magpakasal ng biyernes. Hindi ka daw dapat maligo sa araw ng biyernes kapag lampas na ng ala-singko ng hapon. Atbp.

Lasma bekata!
Kapag mayroon swerte, syempre meron din malas. Sa negosyo, sa pag-ibig, sa isports sa sugal atbp. Hindi nga ba’t kapag di ka manalo sa “pusoy dos” ay agad na naisip mo na “malas ang katabi mo”. Pero bakit nga malas ang “Friday the 13th” ? Ewan ko. Ang mabuti pa niyan ay mag-ingat na lang tayo, hindi lang tuwing “Friday the 13th”, dapat araw-araw, naniniwala ka man o hindi sa mga bagay na mahirap ipaliwanag.

Kaya ngayong “Thursday the 12th” mag-ingat sa lahat ng bagay. Kung ikaw ay nasa trabaho… mag-ingat mapagalitan ng boss. Kung nasa bahay ka naman… mag-ingat sa gawaing bahay. Kung nagmamaneho ka naman… “eyes on the road, not on that broad!”. At kung nasa Pinas ka naman… mag-ingat sa madurukot!

"He who laughs on Friday will weep on Sunday. Sorrow follows in the wake of joy."
The line is taken from Racine’s comedy of Les Plaideurs.

Be safe!

Wednesday, December 28, 2005

***

...maligayang pasko sa inyong lahat...

Saturday, December 24, 2005

Pasko Na Sinta KO

Pasko na sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit ka nagtampo
Iniwan ako

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano ang Pasko
Inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano ang Paskong
Alay ko sa iyo.

Thursday, December 22, 2005

miss kita araw-araw

MISS KITA KUNG CHRISTMAS
version ni ms. aisa seguerra

Ang Disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Ano man ang pilit kong magsaya
Miss kita kung Christmas
Kahit nasaan ako
Papaling-paling ng tingin
Walang tulad mo
Ang nakapagtataka'y maraming
Nakahihigit sa 'yo

Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako'y iniwan mong nag-iisa
Miss kita, O giliw
Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Hirap niyan mayro'n ka ng iba.

--------

i love you
i miss you
come what may

g.

Wednesday, December 21, 2005

himig ng pasko

Malamig ang simoy ng hangin
kaysaya ng bawat damdamin
ang tibok ng puso sa dibdib
para bang hulog na nang langit

Himig Pasko’y laganap
mayrong sigla ang lahat
wala ang kalungkutan
lubos ang kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
sa loob ng bawat tahanan
masaya ang mga tanawin
may awit ng simoy ng hangin

Himig Pasko’y laganap
mayrong sigla ang lahat
wala ang kalungkutan
lubos ang kasayahan
Himig ng Pasko’y umiiral
sa loob ng bawat tahanan
masaya ang mga tanawin
may awit ng simoy ng hangin

Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langit.

Monday, December 12, 2005

skills

Working as a F & B Super at the Polo Club for many years has given me a few valuable skills:

1) The ability to “juggle” about sixteen different tasks at once and accomplish them in a timely manner while anticipating the next fifty tasks I'll be juggling over the next hour. Kaya ko din itong gawin without pointing and laughing at coworkers who cannot do this, or iyong mga guests/members who assume na madali lang iyon at iniisip na they could do this better than me.

2) The ability to "dumb down" pretty much anything I say into something the most dim-witted person can understand without laughing at them or saying “NGEK!!!” in shock.

Example:
Guest: "How big is your 12 inch pizza?"
Me: “12 inches po.”

Isa pa:
Guest: “Iced Lemon Tea for me please.”
Me: “Excellent choice madam.”
Guest: “Without ice please.”
Me: “iyon tubig po aalisin ko din?” (joke lang)

3) The ability to “calculate” 20% of any amount, na apparently sabi nila, is a skil that few people possess. (naks!)

4) The ability to “conceal” feelings of hate and revenge with an impression of friendliness, respect, and concern. Basta para sa akin trabaho lang yan. Alam ko naman na not everyone fully understand the horror of everyday server life. No one, other than servers, understands the trials and drama that come along with waiting tables.

5) The ability to discretely “correct and teach” the guest if they obviously don’t know what is that little fork on his left is used for. Imagine… labingdalawang klase ng cutlery sa harap mo! Talaga namang nakakalito!

6) The ability to “Petiks”. Be Unseen. Be Invisible, while working. Ay! Ikaw din?

Tuesday, December 06, 2005

kape muna tayo

CAFFEINE PERKS UP BRAIN’S MEMORY CENTRES

CHICAGO (Reuters) – Brain scans confirm what many coffee drinkers already know – caffeine perks them up.
The caffeine found in coffee, tea, soft drinks and chocolate stimulates areas of the brain governing short-term memory and attention, Austrian researchers said on Wednesday.
Functional magnetic resonance imaging scans performed on the brains of 15 subjects who had just consumed caffeine equal to that found in two cups of coffee showed increase activity in the frontal lobe where the working memory is located and in the anterior cingulum that controls attention.
“We are able to see that caffeine exerts increases in neuronal activity in distinct parts of the brain going along with changes in behavior,” said Austrian researcher Dr. Florian Koppelstatter of the Medical University Innsbruck.

Credits to Borneo Bulletin 12.2.05
_________

Ayan ha! Sinasabi ko nga ba noon sa lola ko na meron din dulot na magaling iyang kape kaya lang hindi ko alam kung ano at paano. Ang paliwanag ko lang sa kanila noon ay ibat-iba ang epekto nito sa atin.

Kung sa iyo ang isang tasang kape ay ang pagkawala ng antok para sa akin ay naman ay pampatulog ito (totoo yan pramis). Kung para sa kanila ang pag-inom ng mainit na kape ay sanhi ng pagiging nerbiyoso para sa akin naman ay pampakalma ito at pang alis na din ng init ng ulo.

Pwede din itong pang-buhos sa mukha ng kaaway mo pagkatapos mo sabihin ang mga salitang, “you’re nothing but a secondhand rate, trying hard COFFEE cat!!!”.

At syempre magaling din ito pang-PEACE OFFERING sa long-time enemy mo. Garantisado na best of friends kayo pag-labas ninyo sa “coffee bean and tea leaf house”, basta ikaw muna ang mang libre.

Kaya ngayon alam ko na kung paano ko ipapaliwanag sa lola ko na meron din magadang gawa ang kape.

Kaya pala hindi ko makalimutan iyong mga UTANG ko sa mga inaanak ko. Hindi na bale pagka-inom ko ng kape gagamit din ako ng lapis at papel ililista ko na lang muna para lalo ko di makalimutan.

Kape muna tayo!