Sunday, July 24, 2005

Labing Isang Utos

LABING ISANG UTOS SA INUMAN

1. Alak ay ideretso sa tiyan at huwag sa sentido.

2. Huwag madamot sa microphone kung mayroon karaoke.

3. Huwag bastos ang kwentuhan para magtagal ang inuman.

4. Huwag MATAKAW sa pulutan, At baka magkadikit-dikit ang daliri sa dami ng sarsa.

5. Bawal ang away dahil ang tagay ay pantay-pantay.

6. Kung sa inuman ay palaging libre, pulutan ay bumili.

7. Huwag mabagal sa tagayan, abutin ang baso kapag ikaw na ang kasunod.

8. Huwag mangdadaya sa inuman, magpaalam kung gusto nang maguwian.

9. Magtira ng konting katinuan para pang-uwi, kahit na hanggang sakayan lang ng traysikel.

10. Huwag maging invisible sa bayaran.

11. Kapag nobya o asawa sa pag-uwi ay nagyaya, Kaagad sundin nang inuman ay ulitin.

...ayan kaibigan. tagay mo na!


Cheers :)


DSC01594

2 Comments:

Anonymous retz said...

lolz, ahaha ayos toh ah.
OT: what's with the pop-up? may nag-p-popup dito sa site mow. sob

July 24, 2005 7:41 PM  
Blogger goryo4u said...

wala naman susunod sa mga utos na iyan... puro kabaliktaran ang ginagawa.

bwiset nga yang mga pop-ups na yan eh.

'di ko alam kung saan galing.

salamat sa pag-silip.

cheers!

July 31, 2005 12:47 PM  

Post a Comment

<< Home