Friday, July 29, 2005

NO SMOKING SIGN

Isang araw, sa loob ng isang government building dito sa Brunei, habang naghihintay si Baldo na magbukas ang counter para sa kanyang re-entry visa, ay nag-sindi muna siya ng yosi. Pampalipas oras… Nang mangalahati ang kanyang sigarilyo ay tsaka nya lamang napansin ang “NO SMOKING” sign sa dinding. Takot na takot at dali-dali si Baldo na naghanap ng basurahan para itapon ang kanyang Marlboro. Pero huli na ang lahat. Nakita na siya ng security guard na umuusok pa ang kanyang ilong habang naghahanap ng pagtatapunan ng kanyang yosi. Lumapit ang sikyo na tila galit na galit ang bigote sa pagtatanong;

“i-translate ko na sa tagalog para maintindihan ng mas madami… wokey

Sikyo: “kaibigan!!!(sumisigaw talaga sa galit) halika dito!”

Baldo: “yeyes ser?”

Sikyo: “nakikita mo ba yang nakasabit na karatula diyan sa dingding? Ha!?

Baldo: “yeyes ser…”

Sikyo: “Nababasa mo ba yan?”

Baldo: “ye…yes ser…”

Sikyo: “Yun naman pala! bakit ka pumasok dito ng naka-tsinelas?

Baldo: ‘Nye!’

------

cheers!

2 Comments:

Anonymous Patrice said...

Haha! Nakakatawa pero teka, parang narinig ko na ito?!

July 30, 2005 9:41 PM  
Blogger goryo4u said...

he-he-he! alam mo naman ang kwentong barbero...

cheers!

July 31, 2005 12:44 AM  

Post a Comment

<< Home