Saturday, August 27, 2005

Beer at Gatas sa PBA

Ayan na ang mga ASTIG ng PBA!!!

Punong-puno ng paghihiganti ang salpukan ng mga basketball teams dito sa Brunei para sa semi-finals mamaya. Ito ang talaga gustong mapanood ng mga kabayan dito, ang matamis na paghihiganti ng ALASKA ACES laban sa SK Telecom ng Korea. At syempre pa! ang nag-iinit na RP-SMB All Stars katagpo ang Toshiba Brave Thunders ng Japan.

Malaki ang pagkakataon ng dalawang pinoy teams na magkatagpo sa Finals. Kaya siguradong mahihirapan ako kung kanino ako papalakpak!

Katulad nga ng binanggit ni kabayang Atoy aka Ka Goyong, Hindi nga yata pwedeng paglahukin ang Beer at gatas?” ay talaga namang malapit sa katotohanan. Pero ang makalaban muli ng ALASKA Aces ang RP-SMB All Stars para sa championship trophy ay hintayin na lang natin bukas… dahil alam naman natin lahat na bilog ang bola.

Read more about this article at the PILIPINAS basketball team Offical Website of the Philippine Basketball Association.

cheers!

5 Comments:

Blogger duke said...

ayus. sana manalo ang pinas.

August 27, 2005 5:44 PM  
Blogger atoy said...

talaga kontra pelo Alaska at San Miguel. Pero masaya na ako kahit sino manalo kasi All Philippines ang championship. Gaya dito panalo rin ang All Blacks masaya rin ako. Mukhang adobong kiwi na yata ako o penoy na kiwi alin kaya ang mas masarap pareho ko pang hindi nasusubukan kasi protected species na ang ibong ito and wala pa sigurong sumusubok na gawin ito.Exotic food.

August 28, 2005 8:04 AM  
Blogger atoy said...

P.S.
Sana manalo Alaska pati San Miguel para All Pinoy ang championship. Kala ko kasi tinalo na nila ang mga kalaban na singkit. Kahit man lang sa basketball di tayo makulelat sa ating mga ka asyanong bansa. Dito sa NZ kahit aapat na milyon ang mga Kiwis nag-eexcell sila sa sports na hilig nila tulad ng rugby lagi silang world titile contender, netball sila ang world champion pati softball. Sa triathlon nga sa olympics one and two parehong new zealander. Masyado kasi silang mahilig sa sports at outdoor kaya siguro kahit maeedad na ang lalakas pa nila. Basahin mo blog ko para mapatunayan mo na "tigasin" ang mga kiwi kahit matatanda na. E2 pala bago kong http://atoystory.blogpot.com. Hintay kita doon at link din kita para makatawid agad ako dito sa Brunei from NZ

August 28, 2005 10:11 AM  
Blogger goryo4u said...

@ doc duke: medyo mas naging exciting siguro para sa mga pinoy if the title match-up was RP team VS Korea.

kaya lang mas magaling yung dalawang pinoy teams natin eh.

August 29, 2005 2:14 AM  
Blogger goryo4u said...

@ ka atoy: sana nga palaging panalo. kahit within the SEA region lang muna ay pwede na yun.

medyo feel na namin dito ang rugby ngayon dahil balita ko ay accepted na daw as member ng Intl Rugby Federation ang Brunei Rugby Association.

pero di siguro pwede sa mga pinoy ang game na rugby, dahil numero unong pikon ang ating mga kabayan!

salamat sa imbitasyon!

August 29, 2005 2:24 AM  

Post a Comment

<< Home