Wednesday, August 17, 2005

Galit ka?

Ano nga ba ang madalas pagsisimulan ng ating galit?

Dahil sa trabaho ang dahilan kung bakit ako malayo sa aking mga mahal sa buhay, alam ko na sa trabaho din ako madalas nagagalit.

Here are 3 things that trigger my frenzy at work.

1. Irresponsible people- To show that I am a team player, I would gladly help colleagues. Suddenly, their work becomes your responsibility. And you’ll be blamed if there are any mistakes. Talaga naman maiinis ka kung meron kang ipinagkatiwalang bagay sa isang taong negligent, careless at makakalimutin.

2. Unfair treatment and criticisms- Favoritism, very common ito sa aming mga OFW, or at any other workpalce. Even if you are trying your best your boss will come out of nowhere and say “Don’t tell me you don’t know this” at “bakit ba parang gusto mo nang umuwi” lalo kang maiinis kapag dinugtungan pa ng “I should have asked Abdul to lead that team”. Oo na! si Abdul na walang ginawa kung hindi itimpla siya ng kape. This kind of snide remarks set off the “incredible hulk” in me.

3. Mga taong sinugaling/mandaraya at sipsep- Hindi ko na siguro dapat i-explain kung bakit at baka mainis pa ako.

Pero ako naman, I don’t stay mad for long. At most I simmer for one day. I try to repress my anger even if I have a good reason to be furious. Nasubukan ko ng magalit ng todo, pero pangit, kahit sabi ng nanay ko na pogi ako, pumapangit din ako. Kaya ngayon kapag nagalit, keep quiet lang ako or try and forget it.

Sabi nga nila masama daw kinikimkim ang galit, para daw utot, kapag pinigil mas mabantot! Pero hindi ko naman pwede sapakin yung Boss ko at mawawalan ako ng trabaho.

Short fuse, short memory.

Huwag ‘nyo lang gugusutin ang buhok ko! At maghahalo ang tinalupan sa balat. hehehe!

Peace!

8 Comments:

Blogger duke said...

ako madaling magalit din. at madalas pinapakita kong galit ako kung galit ako. at nagkikimkim din ako at naglilista poreber. pero mabait akong tao. pramis. i guess we should get angry every once in a while to let others know their boundaries.

August 18, 2005 4:59 AM  
Blogger goyong said...

Daanin mo na lang sa pasimple tulad ng painumin mo ng kapeng may upos ng sigarilyo o kung talagang mas grabe lagyan mo na lang ng purga para maka-quits ka. Dati nga ng ako ay nagtatrabaho pa sa Pilipinas nainis ako sa boss na hapon balak ko pag nagpakuha sa akin ng kulakadidang bibigyan ko ng sobra niyang mamahalin isang buwan naiyak pa siya.

August 18, 2005 8:10 AM  
Blogger duke said...

ei, click the anti-spam icon in my blog so you can get rid of spammers like the one above.

August 19, 2005 3:34 AM  
Blogger goryo4u said...

@doc duke: mismo! sa susunod na magalit ako talagang guguhitan ko yung hangganan ng teritoryo ko! pero lapis lang gagamitin ko, para madali i-erase!

mahirap kasi meron permanenteng kaaway!

@ goyong: alam mo kung pwede lang, talagang igagawa ko yung amo ko ng imodium cocktail, kaya lang kawawa naman eh!

pero magandang idea yung upos ng sigarilyo!

salamat ha! :)

August 19, 2005 2:40 PM  
Anonymous Patrice said...

Bigla tuloy ako napaisip, ano kaya ang itsura ng isang clown na nagagalit? Nakatawa pa rin?
Pero naintindihan kita. Hindi dahil clown din ako pero ilang beses ko na naranasan sa opisina yan. Hindi pa ako nagwowork ulit pero madaming nagpapayo sa akin na wag daw ako magpapalamang sa mga puti dahil kapag naumpisahan daw, umpisa na rin daw yun ng pagdurusa ko.

August 21, 2005 8:55 PM  
Anonymous wildfire said...

pag galit ako,maraming bagay sa bahay ang nasisira at nababasag or minsan nasasaktan ko yung kagalit ko...di ko alam kung bakit ako ganun, pag hindi ko kasi nagawa yun,nahihirapan ako huminga. :(

August 24, 2005 1:33 PM  
Blogger goryo4u said...

@ patrice: aba hindi talaga dapat nagpapalamang ang pinoy. pwedeng paki-usapan pero ang lamangan tayo... ibang usapan na yan.

cheers!

August 30, 2005 2:50 AM  
Blogger goryo4u said...

@ wildfire: naku wild, bagay nga pala talaga yung name mo sa iyo. tama yang inilalabas ang galit, pero payo ko lang ma'am, wag madalas at baka maaga kang magkakulubot sa noo.

may the force be with you!

August 30, 2005 2:53 AM  

Post a Comment

<< Home