Tuesday, August 02, 2005

Martes na naman

Martes na naman. Schedule dapat namin ng paglalaro ng basketball. Kaya lang tulad ng dati, busy na naman sa trabaho. Daming dapat gawin na hindi maubos-ubos, lalo na ngayong malapit nang matapos ang bertday ng Hari. Lahat ng gustong sumipsep sa kanya ay nagbabalak na ilibre siya kuno ng dinner, Ipanood sa kanya ang sayaw na paulit-ulit ang step, at mga kantahang walang katapusan.

Parang Pinas din kase dito! Lahat ng klaseng sipsep meron din! Lahat gustong magpasiklab sa naka-pwesto.

Teka muna, balik tayo sa basketball.

Pawisan na dapat kami sa kalalaro kanina, kaya lang di makakumpleto ng sampung player dahil lahat meron pang duty. Ibat-ibang trabaho, hindi rin pareho ang mga schedule pero iisa lang ang hilig, ang mag-basketball. Kahit abutin kami ng hating gabi hanggang mayroon ilaw, dribol, shoot, at takbo hanggang sumuko.

Walang makaistorbo, walang kainan, minsan nga walang nagdala ng tubig pero diretso basketball pa din.

Kahit tinatawag na ng mga ‘syota nila talagang tuloy pa rin sa laro.

Nagbabanta na nga yung asawa na kapag di pa tumigil ng basketball ay ‘di daw sila pati-tikimin ng “ispageting pababa at pataas”. Pero talagang matitigas, ayaw talaga.

Pero mga girls, ‘wag naman kayo magagalit. Ganyan lang naman ang mga boys kapag basketball, hintayin mo lang matapos ang laro at wala na yang papansinin kung hindi ang kanilang mga darling.

Bigla ka na lang tatanungin kung nakita mo yung 3 pointer shot niya na dedicated pala sa iyo. O yung crossover drive nya na nagpanalo sa team nila na ikaw ang “muse”.

Kaya huwag na kasi kayo magtampo, kung ang inyong mga NBA player wannabe partners ay magbabasketball, dahil lahat naman ng isu-shoot nila ay love offering sa inyo.

Ayan… salamat naman at naunawaan ninyong mga mahal namin ang aming kaunting hiling, ang magbasketball.

O sige na, matulog na kayo at magpahinga.

Dito muna kami ng barkada.

Medyo napagod kasi sa kaka-basketbol.

Tsaka…. Martes pala ngayon… schedule din nga pala ng INUMAN.

takctician

0 Comments:

Post a Comment

<< Home