Monday, August 29, 2005

PBA – Team Pilipinas, The Champions!

I have just witnessed an awesome display of basketball from an all Philippine Championship Match-up here in Brunei. “Wala tayong magagawa talagang mas magagaling ang mga Pinoy teams natin ngayon”. The Pinoy community here was in euphoria when they realized that it is going to be an all-Pinoy title duel.

Kaya Doc Duke… no matter what the results have been, Pinoy pa din ang panalo.

Ka Atoy… talagang ‘di nga yata pwedeng maghalo ang Beer at Gatas. The RP-SMB proved to be a better team than the Alaska Aces. Pero it was still quite an accomplishment for Alaska despite of Tim Cone’s ejection from the game (medyo sumobra ang init ng ulo). I can assure you it was not an easy victory for Chot Reyes and the RP squad.

Pero ako ang nahirapan… sa kaliwa at kanan kong pag-cheer.

Mabuhay!!! Team Pilipinas!!!

More of PBA – Team Pilipinas

3 Comments:

Blogger atoy said...

Yehey Mabuhay ang Pilipinas! Kaya lang bakakang inang mga opisyales na yan ng basketball sa atin puro mga *@%*!#***!! Palibhasa mga tuta at mana sa kanilang among politiko. Puro politikahan, paistaran, pataasan ng ihi, papogihan, mga anak kayo ng tupa...
kulang ang ispasyo mo rito pag ilalabas ko galit ko sa mga taong nagpapatakbo ng basketball at sa gobyerno ng ating bansa. Kaya hindi tayo makakasali doon sa FIBA regional championship kahit may malaki tayong tsansa dahil sa ipinakita ng ating RP team diyan sa Brunei ay dahil sa kapeng inang politikang iyan na naman. Hindi magkaisa-isa lahat gustong maging bida sila ang hari o sikat o namumuno. Mga sugapa sa kapangyarihan at katungkulan. Nanginginig ang mga laman pag hindi sila ang nakaupo. Mabasketball, mapolitika, kahit yata saan sakit nating mga Pilipino ang ingitan at crab mentality, kung hindi ako umangat, sumikat at lider sama-sama na lang tayo sa baba. Dito man sa blogging world ganyan din ang nangyayari,papogihan, pag hindi mo ako pinasyalan hindi kita papasyalan, pangkat-pangkat, kampi-kampihan although marami rin namang level headed at tunay na kaibigan. Una kong pasok dito puno ako ng ideyalismo pero ngayon nakalapat na ang paa ko sa lupa. Papitik-pitik na lang tayo at hindi na umaasa sa impossible. Sa obserbasyon ko pag ganito ng ganito nakakalunos mang isipin wala ng pag-asa pang umangat ang ating bansa. Kahit ako guilty rin sa pamomolitika kaya nga iniwanan ko na ang pangalan ko sapagkat I cannot live with the ideals na unang nagdrive sa akin sa blogging world.Compromise, broken promises, tampo sa mga akala ko ay mga tunay na kaibigan, disappointment kasi kung kailan ko kailangan ang kanilang suporta sa panahong ng kalungkutan saka sila nawala, kaplastikan sapagkat ayaw kong may magalit sa akin and I would like to please everybody, nakalimutan ko ang magpakatotoo. Hangad dati sanang magkaisa-isa ang mga blogger at magamit natin sa positibong pamamaraan ang hobby nating kinawiwilihan para sa kapakanan ng ating bayan at mga mamamayan sinubukan ko pero bigo ako. Ang Goyong kasi hinango ko sa paborito kong bayaning Pilipino na si Heneral Gregorio Del Pilar ayaw ko ng dungisan ang kanyang pangalan sapagkat hindi ako karapatdapat sa kanyang kadakilaan. Sana Goryo mali ako at mas masaya akong kung mapapatunayan na mali ang aking obserbasyon sa ting mga Pilipino at sa nagaganap at magaganap sa ating bansa at isa akong bulaang propeta. Sana kagaya ng panalo ng RP Basketball team diyan sa inyo na nakasabay ng pagdiriwang natin ng "National Heroes Day" magising ang mga kabayanihang natutulog sa ating damdamin at kaisipan at magkaisa na tayo, magtulungan at kalimutan ang sarili para sa kapakanan at kaunlaran ng ating bayan. Sa ngayon tatawanan ko na lamang na may kasamang panlilibak ang mga taong nagsasagbing ikinararangal na sila ay maging Pilipino pero taliwas ang kanilang ginagawa, pati sarili ko. Ako si Atoy ikinararangal kong maging Pilipino...hek,hek,hek,hek.

August 29, 2005 5:37 AM  
Blogger goryo4u said...

@ ka atoy:Tama ka kabayan! Hindi na kailan ni Coach Chot Reyes ang mag-makaawa sa kung sino mang ponsio pilato sa POC, BAP, ABC-DEFG hanggang XYZ para lamang makalaro ang Team Pilipinas sa darating na FIBA-Asia Tournament. Ganun din ang nalalapit na SEA Games… sang-ayon ako kay former POC Chief Dayrit na huwag na lang isama ang basketbol sa mga events kung hindi kasali ang RP Team. Ano sila, ‘tanga’? at balak ipamigay ang gold medal na para dapat sa atin.

Isang malaking karangalan para sa ating mga Pinoy ang panalo ng RP team dito sa Brunei. Patunay na kaya pa rin ng mga Pinoy ang magkaisa. Kung walang pataasan ng ego, wala ang papogian at walang bahid ng pulitika. Mahirap maganap ngunit maaring mangyari nang unti-unti.

Sana nga ay magising ang kaiisipan at magkaisa ang mga naatasang magdesisyon sa bagay na ito.

Ka Atoy… kasama mo kami sa pagtawa.

Mabuhay!

August 30, 2005 1:57 AM  
Blogger atoy said...

Kailan ba yang tournament sa Doha (Qatar ba yan)? Sana matapos na ang paistaran at pataasan ng ihi ng mga tinamaan ng itik na opisyales na yan ng POC at BAP para naman sa kapakanan ng bayan. Kung makakasali tayo at mananalo napakalaking kasiyahan ang maidudulot niyan sa ating mga naghihikahos at naghihirap na kababayan. Pati ang ating national pride ay mabubuhay. Wag na sana silang magbingibingihan at magbulagbulagan kaya yata lamang natalas ang pandinig at sight ng mga opisyales na iyan ay pag nakarinig ng taginting ng pera at makita ang kinang at mahipo ang lutong nito.Maawa naman kayo sa bayan. Bigyan namn ninyo sila ng kasayahan at bagay na aabangan at ipagdiriwang. Kay Chot Reyes at sa mga players at iba pang staff ng RP team Mabuhay at hangad namin ang inyong tagumpay sa balakid at maduming tentacles ng politika.

August 30, 2005 6:05 AM  

Post a Comment

<< Home