Thursday, August 25, 2005

RP-SMB ALL STARS

Pambihira talaga itong trabaho istorbo sa Basketball… este… ito talagang basketball pambihira.

Basketball--- dahilan ng pagkawala ni goryo sa blogging. Parang fiesta ng pinoys dito sa Brunei when everyone learned that two teams from the PBA will be joining the Shell Rimula Cup Brunei.

Last year the standard of the tournament was significantly raised with the presence of several pro teams from Korea, Taiwan, China and the Red Bull Team from the Philippines. Kaya lang naudlot yung panalo ng Pinoy team… nagging Boxing kase yung semi-finals ng Red Bull against the Koreans. And I mean Boxing at its finest… labo-labo!

Malungkot… kasi the Koreans won what every pinoys in Brunei deemed the RP cagers can easily grab, the championship trophy.

Masaya… dahil the Basketball Stadium was filled with Brunayuki that time… ang dame pala namin pinoy dito para tuloy ako nasa Araneta Coliseum.

This year more can be expected, Japan and Indonesia joined in. Coach Tim Cone with his Alaska team will definitely receive deafening screams from the crowds. At siyempre ang hinihintay ng lahat si Asi “the rock” Taulava at ang mga ASTIG ng PBA ang RP-SMB All Stars.

Three more days, at magkakaalaman na…

Pambihira naman talaga… meron pa nga pala ako trabaho, mabuti na lang mamaya pa ang game ng ALASKA vs RP-SMB All Stars.

Let the games begin!

cick here for game results

6 Comments:

Blogger atoy said...

Mabuti ka pa eh, napapanood mo ng live yang larong yan ng basketball dine sa amin eh hindi. Wala namang gusto dine kundi rugby at cricket eh sa NZ. Peyborit ko pa naman ang Alaska kahit napakaraming gatas dine sa amin. Wala pa ring tatalo sa Alaska. Tapos may SMB na compose of PBA superstar eh ang saya. Kaya laang eh naligaw ka inilink mo dto eh luma kong bahay ipinaubaya ko na muna sa iyo ang pangalang Goryo iniwan ko na muna ang "goyong" kasi akala lagi eh di ako seryoso eh drama na eh tinawanan pa eh. Eh ako ay taka binabasa baga talaga ng mga bloggers ang nakasulat o mga betsin lang sila (been seen lang para mapansin). Sige goryo4u. Alalahanin mo sobrang kape masama nakakanser, pag sobra sa kapepindot at kapepisil eh baka magka-cyst. Eto eh si atoy aka goyong hindi kita ginogoyong.

August 26, 2005 4:58 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hi great site and well worth visiting. I have another atEbook Affiliate Program

Regards

August 26, 2005 5:46 PM  
Anonymous Patrice said...

Naalala ko tuloy..yung asawa ko gulat na gulat siya ng sabihin ko na kung merong mang sport na ikamamatay ng mga Pinoy eh basketball.

August 26, 2005 8:34 PM  
Blogger atoy said...

Bakit ga talagang yan beer eh kontra pelo ng gatas. Talo eh ang Alaska ng San Miguel. Ma yong tunay na Team sa PBA at yong ipinangalan sa kanilang all star lagi ng laglag ang Aces. Masakit pa nito eh ang kaya nanalo ang kalaban eh gawa ng kakampi rin nila na si Tony De La Cruz na dapat eh Aces naglalaro lang sa RP Team. Hindi nga yata pwedeng paglahukin ang Beer at gatas. Pero bakit naman ang isa kong pnag ininom na gatas diyan sa Pilipinas magkahalong beer at gatas. Beer Brand milk yong may osong nagpasuso. Sige Goryo at ako naman ay manonood na ring rugby (nahihilig na rin ako lalo pag All Blacks, ito kasi ang national team ng nz)kalaban ay south africa. umaatikabo na namang agawang buko at balyahan are. Balian at salyahan dapat din ay hindi most valuable player kundi most balyador player yong tipong Big J.

August 27, 2005 11:45 AM  
Anonymous Pao said...

wow, must've been fun watching that basketball game. at least nabawasan ang pagiging homesick. :)

August 27, 2005 11:50 AM  
Blogger goryo4u said...

@ atoy aka ka goyong: iba talaga yung live game! nakakagigil at nakakapaos ng boses.

pero good news kabayan! si jeff cariaso dumating na para ipaghiganti ang Alaska Aces!

@ patrice: talaga naman. ewan ko nga ba, siguro ay dahil sa masaya, maingay at higit sa lahat masarap mang-asar ng kalaban na team.

go-japan-go home japan!!!

...at yung sigaw ng pinoy naman sa RP team, "Asi!!! batukan mo sa noo para di maka-siyut!!!"

hehehe! ang pinoy talaga. ang tatapang.

cheers!

@ pao: totoo yan pao.

hindi lang pagka-homesick, pati na din ang problema at pagod.

cheers!

August 27, 2005 1:11 PM  

Post a Comment

<< Home