Monday, September 26, 2005

e-mail ni utol

Matapos ang inuman namin kagabi ay naalala kong buksan ang aking e-mail, kaya lang ay nakalimutan ko naman basahin dahil lashing na ako. Pero tamang-tama dahil puro tungkol sa inuman ang e-mail sa akin ng utol ko, kaya naisip ko na ito na lang ang i-post ko. Ang kanyang short-lived na artikulo na-published sa peryodikong “tanod”, na isang letra na lang ang papalitan ay bastos na ang tunog kaya wala na yatang bumibili.
Nye-hehehe!

Not A Lot of Nonsense
Ni: Volta delos Santos
notalotofnonsense@yahoo.com 09214888026
Sa Ikauunlad ng Bayan, Inuman ang Kailangan! Part 3
(San Miguel o Beer na Beer?)

Research Paper ng kaibigan kong Atenistang si Joel ang pag-taste-test sa San Miguel at Beer na Beer. Ang una naming ginawa ay maghanap ng Beer na Beer at subukang lasingin ang aming mga sarili sa brand na ito.

Kinabukasan ay nag-conduct siya ng interview tungkol sa inuman session na ito. Ang sagot “Ayos lang pero nanibago kami sa lasa!” Pero ang sosyalerong si Joelay iba ang sagot, “’Di sanay ang tiyan ko sa local brand, nag-LBM tuloy ako.

Naisip ko, maselan talaga ang sikmura ng mayaman. Teka, lokal din naman ang San Miguel di ba? Pero ang explanation ni pareng Joel, kaya’ hindi daw nag-aalburoto ang tiyan niya sa San Miguel Beer ay dahil tama raw ito sa timpla at fine ingredients daw ang ginamit dito. Hindi ko alam kung tumawag siya kay Ernie Baron, nagpunta siya sa planta ng San Miguel o nabasa saEncyclopedia Moi Lasenggero ang impormasyong iyon.

Pero para sa aming mga full-blooded-dugong-dukhang lasenggo, basta alak, basta nakakalasing at ito nalang ang available…LABAN na yan! Naisip ko rin na tamarin naman siya dahil iba rin kapag nasanay na angiyong sikmura sa isang pagkain o inumin. Baka nga kayanagtae si Joel. Naisipan ko tuloy magsagawa ng sarilikong test…Ang beer test-tae!

Hindi ko ipinaalam sa aking mga kainuman na Beer naBeer ang kanilang nilalagok. May nakapansin na iba rawang lasa. Pero si Joel mismo ang nagsabi na hindi daw kasi masyado malamig kaya parang iba ang lasa. Naubos ang serbesa at nalasing ang lahat.

Kinabukasan ay tinanong ko si Joel kung nalasing siyasa aming session. Solve na solve daw siya at ang sabipa’y “Iba talaga ang may pinagsamahan! Talagang SanMiguel lang ang kasundo ng tiyan ko bukod sa imported brands!”

Kinagabihan ay nag-e-mail ako sa kanya at sinabi ang totoo na Beer na Beer ang ininom niya. Dinadag ko pana makakatulong ito ng malaki para maging makatotohanan ang kanyang Research Paper. Sinabi ko rin na huwag kalilimutang ilagay sa kanyang research…"Even in beer,God made us poor and rich equal". Napatunayan kong pantay-pantay lang ang sikmura ng mahirap at mayaman. Masasabi kong pagdating sa naturalesa, wala tayong pinagkaiba sa mayayman.

Hindi nakakapag-tae ang beer...nakakasuka lang... PWE!

8 Comments:

Blogger Pao said...

nakakatuwang basahin ito! mahusay kang magsagawa ng test. tunay na makatotohanan. :lol:

September 26, 2005 9:28 PM  
Blogger racky said...

test mo bier namin pero di ko alam kung kailan mo matatapos ang report. we have more than 5000 brands... lashing ka na???

September 27, 2005 8:23 PM  
Blogger atoy said...

nasa isipan lang naman yan. ang lakas kasi ng epekto ng ating isipan kaya yong akala mong hindi mo kayang inumin o kainin pag hindi mo alam na aso, bayawak o rabbit na ang iyong pinupulutan at ang tinutunggga mong alak ay syoktong na pala (lalo nat't may inom ka na) lalapain at lalaklakin mo na rin yan. Ano ba ang kaibahan ng sikmura ng sosyal sa masang kagaya natin. siguro mas maraming lamang bacteria ang tiyan nating kumakain at umiinom ng pagkaing klasada pero pag ang pagkain at alak ay nasa tiyan na natin parepareho na yan at pagkatapos tunawin at lagi tayong papasok sa palikuran upang ang hindi natunaw ay ating ibalik sa mother nature.

September 28, 2005 5:26 AM  
Anonymous Ethel said...

Hehehe..natawa ako dito. Tama ka mang goryo tyan ng mahirap at mayaman pareho laang. hek hek hek

September 28, 2005 9:17 PM  
Blogger goryo4u said...

@ pao: sa susunod sabihin ko kay utol ang i-test naman niya ay kung sino ang orig na choreographer ng otso-otso, 2 or 7?

siguradong mas nakakatuwa iyon.

ang babaw ko ano?

@ bakya ni neneng: 5000 brands ng beer???

wow! sigurado matapakan ko lang ang mga takip ng beer jan, eh malalashing kaagad ako.

teka, libre ba ang inom ng beer jan kapag october fest?

cheers!

@ ka atoy: honga! kaya ako din nahihiya na kay 'mother nature', kasi sariwa natin kukunin sa kanya tapos pag soli natin gamit na mabantot pa!

tsaka, noong huling inuman namin ng kapitbahay kong thai ay hindi sana ako titigil sa pag-upak ng malutong na pulutan na hain nila. ibinulong lang ng katabi ko kung ano yon.

masarap sya!

akala ko mani... pritong kuliglig pala!

crunchy!

@ethel: tulad nga ng sabi ni ka atoy, "nasa isipan lang naman yan".

rich or poor, kapag umutooot, mabantot.

cheers!

September 29, 2005 2:18 AM  
Blogger Tanggero said...

aba aba Ser, magkakasundo tayo dito, inuman ang usapan, hehe.
nakikitagay lang, hik!

September 29, 2005 2:26 PM  
Anonymous wildfire said...

potah!...matanda nako pero di pa rin ako marunong uminom...

October 03, 2005 9:18 PM  
Blogger goryo4u said...

@ tanggero: wokey ser! tagay lang ng tagay. dito lang ako at mag-iihaw muna ako ng hita ng dinosaur at baka mapahaba ang inuman.

cheers!

@ wildfire: aba iha, hindi naman sa ako ay kunsintidor. ngunit alam mo ba na mahirap tumanda nang walang maka-inuman. para kang nanood ng basketbol or wrestling sa TV nang nag-iisa... nakakaloko!

ayan, tagay mo na :)

cheers!

October 04, 2005 2:21 AM  

Post a Comment

<< Home