Sunday, September 04, 2005

Ubo at Sipon

Ubo-ubo-ubo!!! Ehermnn! Aahhhh….. Choooo!!!

Talaga naman itong si Sipon at Ubo kung mang-inis ay sabay pa! Unang lingo pa lang September ay umatake na. Hindi lang nakakahiya sa aking ka-trabaho, istorbo pa sa lahat ng bagay. Sa isang kilong Panadol at isang galon na cough syrup na nainom ko, konti na lang at drug addict na ako. Nye-hehehe! Ehermmmnnn!

Mahirap makipag-usap, dahil tatlong letra pa lang ang nabibigkas mo ay aatake na si pesteng ehem at susundan ng nakakagulat mong ubo.

Hindi ka din pwedeng mag-lunch with your colleagues, dahil kung isang table ang gamit nyo… isang bahing mo lang ay malamang na isumpa ka ng katabi mo.

Kung sasagot ka naman sa telepono, ay hindi ka maiintindihan ng nasa kabilang linya, at baka isipin pang nagpabunot ka…. ng dila.

Ang resulta… heto ako sa loob ng kwarto nag-iisa. Ubo pa din ng ubo at mapula na ang ilong ko sa ka-kapunas.

Ayaw ko naman manood ng TV, pangit lahat ng show dito… waste of time.

Iyong DVD collection ko ay na-review ko na yata ng limang beses… boring.

Hindi ko din matapos yung “dead to rights” game ko sa aking xbox… frustrating.

Talaga naman itong si Sipon at Ubo kung mang-inis ay sabay pa!

Bertdey ko pa naman bukas!

Imbitado kayo lahat.

Aaahhhh….. choooo!!! Sarap!

4 Comments:

Anonymous wildfire said...

oi, hapi birthday! pagaling ka po.. :) rest lang yan tsaka lots of water (feeling nurse hehehe)..

September 04, 2005 3:53 PM  
Blogger duke said...

itulog mo lang yan. hehe. haba berdie!

September 05, 2005 9:33 AM  
Blogger atoy said...

uy beerday mo pala. Happy beerday. Kaya pala bisita mo si Doc Duke may ubo at sipon ka pala. Kulang lang yan sa inom. Madalas may alcohol ang cough syrup kung ako lang ay nasa amin padadalhan kita ng lambanog na binabadan ng santamabak na luya at iba pang dahon dahon. Ipahid mo sa lalamunan mo at noo. Pag hindi nakuha laklakin mo na lang isang galon at tiyak na lalamunan mo ay uusok, ilong mo ay aasbok ikaw ay makakatulog at pagmulat mo kakantahin mo "ale nasa langit na ba ako, mama kayo po ba si San Pedro..."

September 05, 2005 5:20 PM  
Blogger goryo4u said...

@ wildfire: sana ng ay makuha sa pahinga pero susubukan ko muna yung pahiga. lumaki na din yung 'tyan ko sa kaka-inom ng tubig pero titiisin ko na lang kasi hirap pala meron sakit... 'di maka-toma.

salamat.

@ doc duke: namaga na yung mata ko sa kakatulog, pero parang nawala yung sipon ko. magaling pala talaga yang tulog.

pero mabuti na lang at ikaw ang nagsabi sa akin niyan, dahil kung iyong doktor namin dito ang nagpayo sa akin sure na $40 ang kapalit.

cheers!

@ ka atoy: naalalako tuloy si ka ernie baron at ang pito-pito. mga dahon na pampagaling ng kahit anong uri yata ng sakit.

masarap nga siguro iyang lambanog with luya. garantisadong patay lahat ng pesteng ehem sa aking lalamunan. pero ka atoy hindi ako sigurado sa pagkanta... dahil parehong kaliwa ang boses ko.

salamat sa tagay!

September 09, 2005 1:57 AM  

Post a Comment

<< Home