Friday, September 09, 2005

Wala na

Mabuti na lamang at hindi na ako masyadong naperwisyo ng aking mga bisita nitong nakaraang mga araw, ang magkapatid na si Ubo at Sipon … konti na lang.

Kaya heto na naman ako at nagkaroon ng oras para sa aking pampalipas oras.

Makalipas ang ilang araw ng aking pagdurusa dulot ng pesteng Sipon at Ubo ay nagluwag nang kaunti ang aking pakiramdam.

Marahil itoay dahil na rin sa aking walang humpay na pag-dudurog! (…ng Panadol at ng Woods peppermint cough syrup)

Ngayon ay sabay-sabay na ulit kami kumain ng aking colleagues sa isang table, sapagkat lahat sila ay meron na din Ubo.

At meron na din ako tagasagot sa telepono. Naks!

Kung noong una ay isang syllable pa lang ang nabibigkas ko’y susundan kaagad ng malakas na ubo ay WALA Na ngayon, WALA Na akong boses, WALA Na din ako masabi kaya di na mahirap makipag-usap… sign language na lang.

Mabuti na lang at nakapag-blog ulit ako at nabasa ang mga payo nila wildfire, doc duke at sa tagay ni ka atoy.

Susubukan ko lahat yan ng sabay sabay. Salamat.

3 Comments:

Blogger atoy said...

Aba mahirap sundin lahat yang payo namin. Paano ka iinom ng lambanog kung tulog ka. sabagay pwede mo nga palang inumin bago ka matulog para mas mahimbing. Pag wala ka pa ring boses suggestion ko magpakabit ka na lang ng speaker at amplifier.

September 09, 2005 4:48 PM  
Blogger duke said...

uy, pag nawala na yang ubo at sipon mo, magkunwari ka pa din na walang boses para laging may tagasagot ka ng telepono mo. hehehe. tagay lang nang tagay! kampay!!

September 12, 2005 7:50 PM  
Blogger goryo4u said...

@ ka atoy: pero malamang na maging epektib iyong lambanong mo ka atoy. dahil malamang makatulog ako ng mahimbing pagkatapos kong uminonm ng lambanog.

@ doc duke: sayang nga at wala na akong tagasagot ng telepono pero meron na akong boses. at ang masaya pa nito konting tiis na lang at pwede ulit makipag-tagayan.

September 18, 2005 2:10 PM  

Post a Comment

<< Home