Sunday, December 04, 2005

24

Dalawampu’t apat.

Dalawampu’t apat na araw ng non-stop action dito sa polo club, at ayon sa aming event forecast ito ay pasimula pa lamang ng bagyo.
Dalawampu’t apat na payot at pugad… este… pagod at puyat pa ang aming haharapin.
Dalawampu’t apat pa ang aking kailangang gawin.
Dalawampu’t apat na bagay pa din ang tatapusin ko.
Dalawampu’t apat na kaibigan ang nadadagdag sa aking listahan ng babatiin sa pasko pero apatnapu na yata ang sumali sa grupo ng mga kaaway ko.
Dalawampu’t apat na araw ng walang air-con ang kotse ko.
Dalawampu’t apat na araw na ‘di pa bayad ang utang kong langgonisa kay nurse Lina.
Dalawampu’t apat na yata ang puti ko sa buhok.
Dalawampu’t apat na araw na lang ay lampas na ang pasko. (merry Christmas nga pala sa inyong lahat, sama na dun yung mga kaaway ko, peace!)
Dalawampu’t apat na dolyar na lang ang pera ko.
Dalawampu’t apat na araw na nawalay sa blogging news.
Dalawampu’t apat na araw na ang nakaraan… hindi pa din ako tapos maglaba!

Dalawampu’t apat na araw. Bilang na sana ito ng araw ng bakasyon ko sa Pinas na kasama ko si RICA… na naudlot (di ko na lang i-chismis sa inyo at baka makasapak lang ako).

dalawampu't apat... bow!

9 Comments:

Blogger atoy said...

2-4 tayaan mo pag nakauwi ka sa pilipinas at may huweteng pa. baka sakali maging lucky sa yo tulad noong mangarap ak0 ng 5-8 at tumama ako bago mag 7th b'day panganay ko. 2-4 dati yan lang ang placing ng pilipinas kung hindi second third madalas 4th kung minsang nga 5th place pa sa South East Asian game buti naman ngayon sila ang overall champion (kasi sa atin ginawa).

December 05, 2005 7:28 AM  
Blogger goryo4u said...

@ atoy:
talagang iyan ang balak ko ser atoy. kaya lang ay naunsiyame ang plano pero di na bale at meron pa naman ibang pagkakataon.

sana nga ay pilipinas na ang mag-overall champion ngayong SEA games. para tumigil na ang balita na nandadaya ang mga pinoy sa pag-officiate nito. ang sa akin lang naman ay 'wag na sana si si ate glo ang magpaliwanag na walang 'dayaan' sa SEA games dahil parang di yata bagay. nyehehehe.

merry christmas!

December 05, 2005 8:07 AM  
Blogger melai said...

sobrang significant seyu ng 24 ha!!! uhmm bisperas ng pasko baka yan na ang huling bola BINGO ka na lol!!

December 05, 2005 10:52 AM  
Blogger racky said...

salamat sa kape brader. eto, dinala ko muna washing machine para naman matapos na iyang mga labahan mo. wawa ka naman.
kala ko iyan ang fave mo na palabas sa t.v.
dats layf bro! tuloy lang ang pakikibaka, kung hindi ngayon ...marami pang bukas/pasko na darating. ang mahalaga buhay at malakas ka pa para harapin ang mga pagsubok na dumarating.
tagayan na lang muna. Prosit!!!

December 05, 2005 4:15 PM  
Blogger goryo4u said...

@ melai:
nanghihinayang nga ako at walang huweteng dito kaya di ko maituloy ang payo ni ka atoy.

pero dahil sa nabanggit mo ang bingo... malamang ay meron ako pag-asa jan --- "sa letrang G... edad ni goryo... tawenti por!!!" (sarap pakinggan).

cheers!

December 05, 2005 7:16 PM  
Blogger goryo4u said...

@ donya neneng:
salamat sa washing machine donya.

talagang ganito nga yata ang buhay, puno ng walang katapusang pakikibaka. sa pera, sa pamilya, sa pag-ibig (naks!) at higit sa lahat...sa paglalaba!

kaya't dinadaan ko na lang muna sa pakape-kape at konting tawa.

merry christmas.

December 05, 2005 7:26 PM  
Anonymous pao said...

naku, sayang naman at nde na tuloy yung bakasyon mo. kainis naman whoever that person na humadlang noh.

December 05, 2005 10:20 PM  
Blogger racky said...

hahaha... pakikibaka sa paglalaba! galeeeng mo talaga. ganyan nga, tawanan mo ang iyong problema.
oy, 24 ka lang pala. akala ko 42 na :)

happy new year!

December 06, 2005 1:24 AM  
Blogger goryo4u said...

@ pao:
wokey lang... ipinagdasal ko na lang sila. mga tinamaan sila ng kulog!

joke-joke lang po.

December 08, 2005 7:41 PM  

Post a Comment

<< Home