Wednesday, December 21, 2005

himig ng pasko

Malamig ang simoy ng hangin
kaysaya ng bawat damdamin
ang tibok ng puso sa dibdib
para bang hulog na nang langit

Himig Pasko’y laganap
mayrong sigla ang lahat
wala ang kalungkutan
lubos ang kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
sa loob ng bawat tahanan
masaya ang mga tanawin
may awit ng simoy ng hangin

Himig Pasko’y laganap
mayrong sigla ang lahat
wala ang kalungkutan
lubos ang kasayahan
Himig ng Pasko’y umiiral
sa loob ng bawat tahanan
masaya ang mga tanawin
may awit ng simoy ng hangin

Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langit.

3 Comments:

Blogger atoy said...

ano bang mapapasko d2? me galpong ba d2 ng kapeng barako para mailaga sa madaling araw ng pasko. me pandesal ba at keso de bola, hamon at ubas.

December 21, 2005 2:09 PM  
Blogger racky said...

nagutom yata ako sa mga nabanggit ni fafatoy... kaya nga, nasaan na ang mga handa?
dapat sa mga bumibisita may meriendang naghihintay.
sa amin, di lang simoy ng hangin ang malamig... pede ng magtinda ng halo-halo, libre yelo. hehe

Maligayang Pasko sa iyo brader!!!

December 22, 2005 12:33 AM  
Blogger goryo4u said...

@ atoy:
ang sarap naman ng mga pagkain na nabanggit mo ser atoy. abot dito ang amoy lalo na yung pandesal at keso de bola. pasensya muna kayo sa kape ko, wala time si goryo, work to the max kaming mga pinoys dito. lahat kame sa trabaho mag celebrate ng pasko.
pero hindi na bale, dagdagan ko na lang skyflakes on the side yung mga kape nyo, 'tska ko sasabayan ng mainit na pagbati ng merry christmas!

December 22, 2005 10:52 AM  

Post a Comment

<< Home