Monday, December 12, 2005

skills

Working as a F & B Super at the Polo Club for many years has given me a few valuable skills:

1) The ability to “juggle” about sixteen different tasks at once and accomplish them in a timely manner while anticipating the next fifty tasks I'll be juggling over the next hour. Kaya ko din itong gawin without pointing and laughing at coworkers who cannot do this, or iyong mga guests/members who assume na madali lang iyon at iniisip na they could do this better than me.

2) The ability to "dumb down" pretty much anything I say into something the most dim-witted person can understand without laughing at them or saying “NGEK!!!” in shock.

Example:
Guest: "How big is your 12 inch pizza?"
Me: “12 inches po.”

Isa pa:
Guest: “Iced Lemon Tea for me please.”
Me: “Excellent choice madam.”
Guest: “Without ice please.”
Me: “iyon tubig po aalisin ko din?” (joke lang)

3) The ability to “calculate” 20% of any amount, na apparently sabi nila, is a skil that few people possess. (naks!)

4) The ability to “conceal” feelings of hate and revenge with an impression of friendliness, respect, and concern. Basta para sa akin trabaho lang yan. Alam ko naman na not everyone fully understand the horror of everyday server life. No one, other than servers, understands the trials and drama that come along with waiting tables.

5) The ability to discretely “correct and teach” the guest if they obviously don’t know what is that little fork on his left is used for. Imagine… labingdalawang klase ng cutlery sa harap mo! Talaga namang nakakalito!

6) The ability to “Petiks”. Be Unseen. Be Invisible, while working. Ay! Ikaw din?

7 Comments:

Blogger racky said...

wow brader, dami mo palang skills na napakintab jan!
pede na tayong magtayo ng sariling Polo Club. sales-talk natin mga ibang bloggers na maging stockholders and members na rin.
ako na finance manager, magaling tayo sa debit, credit and kupit! hehe
seriously speaking tayo...50%
maganda ang attitude mo sa trabaho, nahahaluan mo ng (kahit na kornik) humor, beri gut di ka mabilis tatanda nyan! keep it up! (na! englisch yata iyon)

>>neng<<

December 13, 2005 10:24 PM  
Blogger atoy said...

nadayo rin ba jan ang sultan at iba pang royalty sa paglalaro ng polo? kumakain ba sila sa resto ninyo? siguro magaling ka na ring mangabayo at habang nakasakay ay pumapalo ng bola o ang bola mo ang pumapalo sa kinakabayo?(masama rin pala pag luntian nakikita hindi maiwqsang pati isipan ay maging berde, kaya siguro minsan berde din isipan mo g4u puro damuhan din polo club)
ok mga anecdotes mo padala mo sa reader digest o ibang magazine na nagfefeature ng humour tungkol sa trabaho o sulat ka ng book "over a cup of coffee" (hindi ka multuhin tayo ng kabayang kong si ka doroy title kasi yon ng kanyang sikat na column noong araw bago ang kahulihulihang higop niya ng kape.)

December 14, 2005 3:41 AM  
Anonymous Ethel said...

mangGorz, ano yong petiks? yon ba yong daig pa ang bosing pag nag rerelaks hehe....
itong musik back nyo talaga nakakahawa, parang ako'y nalalashen na rin:) hehe..
Merry Christmas mangGorz!

December 14, 2005 5:18 AM  
Blogger duke said...

ay di ko din alam ung mga tinidor tinidor na yan. basta pede ipantusok tinutusok ko na. hehehe. minsan nag-aabang ako tas gagayahin ko na lang sila. hahhahahahah. pero pag gutom ako wala na ako pake. hehehe.

December 15, 2005 2:38 PM  
Blogger goryo4u said...

@ donya neneng:
alam mo neneng naisip ko din iyan noon. "goryo's polo club" kaya lang mahirap mag-alaga ng kabayo tsaka problema ang parking. nyehehehe!
pareho siguro lahat ng OFW's sa work attitude. hirap man sa pagkayod kailangan masaya pa din. being a father away from home and family is not an easy thing for me, but it motivates me to work harder. kaya siguro "HINDI" tayo tumatanda.

merry christmas!

December 18, 2005 9:49 AM  
Blogger goryo4u said...

@ atoy:
ser atoy, hindi lang dayo at laro ang ginagawa niya dito, 5 ang full size field dito at 1 dito ang kayang private field at higit sa lahat siya ang may-ari nito. ito din ang lugar kung saan niya dinadala ang kanyang mga VVIP guests.

hindi lang si "tan-sul" (iyan ang pabaliktad na tawag namin sa kanya) ang aming naging bisita dito. si prince charles at si lady D (nung buhay pa siya) at ang nanay nila na reyna, hari ng saudi, hari ng jordan, prinsipe at prinsesa ng kung saang bansa, (edit na natin yung ibang name at baka mademanda ako), pareng bill clinton & senator wife, michael jackson, sis niya na si janet, sting, stevie wonder, rod stewart, michael schumaker, madeline albright, seal, tina turner, vanessa mae, allan k, collin powell, putin, yung PM ng japon na di nagsusuklay, si cory (syempre nangutang), si ramos (nagutang ulet), erap (nagpatawa at nangutang na din), tita glo (nagbayad ng utang... tapos nagutang ulet), pops & martin, cast ng miss saigon london, geneva.... ayan na carried away ako baka mabanggit ko din si vivian v., ruffa rigno, cristina g. at kung sino-sino pa na hindi umaamin na nagpunta dito. haaay buhay!

gandang idea iyang naisip mo, ipunin ko muna yung madame kong istoryang korni para makadame. pero hindi ko siguro pwede gayahin si ka doroy... aalagaan ko na lang itong eyebag ko para magkapareho kami kahit konti.

merry christmas!

December 18, 2005 10:34 AM  
Blogger goryo4u said...

@ ethel:
ang galing mo naman sis, eksakto yung definition mo ng petiks! siguro pareho tayo marunong maging invisible. nyehehehe!
lasheng sa kape ang lahat ng mga kumakanta jan noong i-rekord ko yan kaya nakakatawa at nakakaawa.

merry christmas!

@ doc duke:
doc, ganyan talaga ang labanan, tusok lang ng tusok. madaming waiter na gago, kahit di ka pa tapos kumain alisin na yung food mo, kaya lugi ka kapag di ka nakatusok.
kapag nagbigay ako ng training palagi ko muna sila pinapanood ng movie na "pretty woman" yung part na tinuturuaan si julia sa fine dining. para mas madaling tandaan kung paano nga ba.
pero para safe, tinidor ay pwede gamitin from mains hanggang dessert. wag lang sa soup at baka tatlong araw bago natin maubos ito.

merry chritmas!

December 18, 2005 10:49 AM  

Post a Comment

<< Home